Friday, October 31, 2008





A love story is not about those who lose their hearts but about those who find that sullen inhabitant who, when it is stumbled upon, means the body can fool no one, can fool nothing—not the wisdom of sleep or the habit of social graces. It is a consuming of oneself and the past.




~The English Patient

Sunday, October 19, 2008

Knowing What I Didn’t Know

Chapter 3: Examining Sensation and Perception
Film: (Smell and Taste Documentary) Human Senses


Knowing What I Didn’t Know



My friends always say that I’m a sucker for useless information—a walking encyclopedia at worst; but then, compared to the body of knowledge out there that I still cannot grasp fully, I’m hardly a trivia-trashcan.

This idea hit me fully in the gut as I watch the documentary Human Senses. I realized, “I’m hardly a knowledgeable person…I don’t know that!”

For starters, I know sharks are supposed to be the “garbage can” of the sea, and that they can’t swim back (except for the computer-generated-very-agitated sharks of the film Deep Blue Sea) and that they have commensalism relationships with small fishes. Plus, I’m also very well aware of how much they like their meat as well as how they can smell from afar a single drop of blood in the water. But never—repeat never—was I made to be aware that sharks don’t like my favorite meat—the chicken.

Watching the documentary, I also realized that humans have very different taste preference than that of animals; such that of the shark not having a taste for chicken.

Furthermore, another example of this explicit but easily disregarded fact is that of the koala. Koalas, for me, are one of the cutest animals I’ve ever laid my eyes on since I was a child and deeply in love with stuffed bears and dogs. And because I love them, I made it a point to know what they love—the eucalyptus. This fact, a lot of people know since it’s a common one, but then, the new thing for me about this is that I didn’t know that they would rather starve themselves than eat anything else aside from eucalyptus. Not unlike to human introverts, they are less likely to be bored with the same stimuli ONLY THAT unlike introverts, they’ve taken it to a higher level! Moreover, because of their euca-addiction, they don’t need water anymore. Amazing!

Another bit of knowledge that previously has not been stored in my memory bank is that of the hummingbirds. I won’t pretend that I know a lot about these avian except that they’re small, and can fly and can sing a different song from that of Miss Regine Velasquez. But with this documentary, I was able to know that their taste buds are like that of a woman—addicted to sweets. Maybe even more. I wouldn’t have ever guessed that they can consume sugar water half of their total weight. Furthermore, I didn’t know that their taste for sweets would take them to an extent that they will fall prey to an artificial sugar-holder like that shown in the documentary where the man put the little flower in his mouth with the open bud just outside his pursed lips and the hummingbird flew to it without any qualms. Talk about sweet tooth!
When it comes to the human tastes, a lot of what we eat, we actually perceived by our sense of smell. And this fact, though not entirely new to me, is still a little surprising since preceding the film-showing, I only know this idea as an abstract concept.

As I watched how the experimenter in the documentary proved her hypothesis that we only know what we eat by associating it to its smell, the previously abstract concept unfolded in my brain. How the subjects only recognized that the “thing” they put into their mouth was a little grainy and somehow spicy and so on, not realizing that it was actually cinnamon without their sense of smell intrigued me to the best, especially when afterwards when they were allowed to released their pinched noses and they exclaimed that it was cinnamon. Surprised at how they were not able to name it beforehand. It only gave more credence to the common idea that the nose and the mouth are intertwined at almost every process they are involved with.

I also learned a lot about the secrets of the sense of smell.

One of these is the appropriateness of the idea that it is REALLY HARD to develop the smelliest odor which can invoke great nausea (same reaction) to almost anyone who may have the luck to smell it. This is because according to the documentary, people react to the same bad smell differently. How strong we react to the smell depends on our past experiences, since like that of the taste associated with the smell of the food, the reaction to the smell of a bad odor depends on the picture we associate with it. This is made possible by the fact that sensory nerves for the sense of smell goes straight to the frontal lobe AND the limbic system where we store intense feelings. Thus, how strong our reaction depends on our intense feelings against it.

That is why some people react to the smell of vomit differently. Some can tolerate it, while others can hardly imagine smelling it. And from what I’ve gathered from the film, the same phenomena may occur when it comes to food.

Just imagine, if I happened to be traumatized (by food poisoning or just an upset stomach) by the taste of okra when I was a child, it may be the cause of why I can hardly be near it. But then, according to the documentary, sensitiveness to taste of food may change over time as we grow. Since when we are still children, we tend to reject bitter and sour foods because such stimuli forge in our brain that it is poison or just plain bad for ourselves. But over time, we get over it for we are already more receptive to the things we can and cannot eat. Moreover, as I’ve learned early on, we humans eventually adapt to different taste even if we hate it at first.

Seeing all these in the film, it makes me want to know more and more even if some may think that they are not relevant at all. Well, I’m the one storing them anyway.

For the secrets of the human senses, I hardly knew at all.





Sto. Domingo, Rosalyn Mae P.
2006-11360 BA CommRes
10 July 2008
Psychology 101 *Asst. Prof. J. Lagdameo

Sunday, October 5, 2008

The Underside of the Malolos Republic: A Reaction Paper

Reaction Paper

The Underside of the Malolos Republic

By Dr. Milagros C. Guerrero

Isang kamangmangan ang mamulat sa mga bagay na ang tanging nilalaman ay ang isang mukha lamang ng katotohanan. At lalong isang kamangmangan na tanggapin ang katotohanan ng iilan lamang. Ito ang pinakanais maipabatid ni Dr. Guerrero sa kanyang artilulo patunggkol sa mga “tunay na nangyari” noong itinatag ang Republika ng malolos.

Bilang isang mag-aaral, namulat ako sa mga bagay patungkol sa unang republika ng Pilipinas sa lebel na ang tanging nababangngit lamang ay ang mga “common facts.” Tulad ng kung kailan nagkaroon ng Kongreso ng Malolos, ang Tejeros Convention, kung kailan idineklarang “tunay na Malaya ng Pilipinas”… mga ganoong bagay. Kapakababaw lang ika nga. Sa katotohanan, kahit na ganoon lamang ang alam ko, kahit kailan ay hindi ko ninais na malaman pa ang mga bagay na mas malilim pa roon. Bakit pa? Eh, alam ko naman kung sino ang nagpapatay kay Andres Bonifacio at alam ko sa sarili ko na hindi karapdapat maging national hero si Jose (Mercado) Rizal kahit na sinulat pa niya ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo dahil tanging ang mga mayayaman lamang na may kakayahang makabili ng mga kakaunting nakapasok na kopya ng kanyang mga nobela lamang ang nakabasa noon. Bukod pa sa hindi marunong magbasa ng Espanyol ang mga katipunero.

Ngunit ayon sa nabasa ko dati, tanging sa karansan lamang sa nakalipas matututo ang tao sa kung ano ang kanyang dapat gawin para sa kanyang kinabukasan. Iyon ang lalong nagpasidhi ng aking loob na basahin ang isinulat ni Dr. Guerrero, bukod pa sa kailangan talaga.

Ayon sa kanyang sinulat, ano ang kabuluhan ng pagiging unang republika na naitatag sa timog silangang Asya ng Republika ng Malolos kung ang tanging nakapagkamal ng karangyaan at kasayahan sa panahong iyon ay ang mga kayayamang uri ng tao sa bansa, o ang mga alta de cuidad? Lalo ng noong mga panahong naisulat ang artikulo na malapit na ipagdiwang ang ika-isangdaang taon ng pekeng Republika ng Malolos. Para kanino ito ipagdiriwang?

Karapat dapat bang ipaghanda at ipagsaya ito, nang isang daang taon na ang nakalilipas ng paasahin ang mga Pilipino, na nagpakahirap na naangkin ang kalayaan na ipinagkait ng mga espanyol ng tatlong daang taon, ng mga opisyal na nangakong paglilingkuran ang mga taong bayan na sa bandang huli ay inabuso lamang sila at tinapaktapakan?

Nabubuhay tayo sa kahibangan kung iniisip natin na may kabuluhan ang ganoong uri ng pagdiriwang. Ayon sa sinabi ni Salvador H. Laurel, chairman ng National Centennial Commisson noong panahong iyon na ipinagdiwang ang ika-isangdaang “kahangalan” ng gobyerno,

“We want our people to be proud of their past…It is a feeling of being one, of belonging under one flag—with one heart and one soul—and one republic that engender country.”

Kung ganoon nga ang ninais nilang mangyari, bakit hinayaan nilang manatili sa dilim sa mga tunay na nangyari noong mga panahong iyon ang mga Pilipino? Papaano ka magiging mapagmayabang tungkol sa kasaysayan ng iyong bansa kung tanging mga mito na lamang tungkol sa mga bagay-bagay ang iyong alam?

Iginagalang magpahanggang ngayon si Emilio Aguinaldo bilang unang presidente ng Pilipinas kahit na ibinenta niya ang mga Pilipino sa mga Amerikano. Kahit na hinayaan niyang maghirap sa ilalim ng kanyang mga ilinuklok na opisyal ang mga mamamayan. Kahit na inamin niyang may mga opisyal siya na hindi talaga karapat dapat sa posisyon dahil sila’y may favoritism at sila’y mga kurako, ngunit hindi niya inamin na siya mismo ay nakapabor sa mga cacique-ilustrado-principalia kahit pa na siya’y galing lamang sa mas mababang klase ng mamamayan at dapat sana ay mas makamasa. Ito ba ang gusto nilang ipagmalaki natin sa ibang lahi ganun na rin sa mga susunod pang henerasyon?

Ang Malolos Constitution, isang halos tunay na photocopy lamang ng 1895 JImaguayu Constitution of Cuba. Unang uri ng imitasyon. Ito ba ang maipagmamalaki? Na ang mga Pilipino ay magaling at creative sa pagkopya sa mga produkto ng iba?

Kung sanang noong una pa lang ay ipinakita na nila ang tunay na kulay ng Republika ng Malolos, disin sana’y hindi na natin pa kailangang isipin ngayon kung papaano nagsimula ang pagiging mahina ng ating bansa, ang kawalan natin ng sense of national identity. Ang kawalan ng nationality.

Bukod pa rito, maraming nagbuwis, naibuwis at ibinuwis na buhayy para lamang sa kasakiman ng mga nagtatag ng Republika ng Malolos. Ang konstitusiyon na ito ay ang isa sa mga naging dahilan kung bakit naging madali ang pagpapailalim natin sa mga Amerikano na hanggang ngayon ay ramdam pa rin ng Pilipinas. Ng bawat mamamayang Pilipino.

Ngayong naging malinaw na kung ano talaga ang mga pinagdaanan o mga nangyari noon, kung paano ginustong bitawan ni Aguinaldo ang pagiging presidente ng isang bansa na nasa kalagitnaan ng krisis na kung tutuusin ay isa siya sa mga gumawa—ang kanyang kaduwagan—at ang kakulangan ng kanyang mga tagapagpayo dahil sana’y tinuruan na lamang siya kung paano unti-unting bitawan ang kapangayarihan ng hindi mabigla ang mga mamamayan at maghirap ang bansa at mailagay sa mga more capable hands ang dapat sana ay kinabukasan ng bansa.

Nakakalungkot dahil noong nabasa ko ang artikulo ni Dr. Guerrero, masyadong maraming mga “sana ganito” at “sana ganyan” ang pumasok sa aking isip. Mga bagay na maari sanang nagawa upang iligtas ang ating bansa mula sa mga nararanasan niya ngayon.

Hindi sa sinasabi kong lahat ng nangyayari ngayon ay resulta ng mga nangyari dati, ngunit, sa paikot na paraan ay parang ganoon na rin. Lahat ng bagay ay may pinag-ugatan, depende lang kung gaano ka kalalim hahanap ang magiging kasagutan. Halimbawa na rito ang pagiging kurakot ng mga opisyales, unang republika pa lamang ng Pilipinas, meron na. Mas harapan pa ang pangungurakot noon. Isang asenso ngayon, mas magaling magtago ng paraan ng pangungurakot ang mga opisyal—kahit na alam na naman ng mga tao. *evil laugh*

Ang paggunita sa Republika ng Malolos ay katulad rin ng dapat sana ay paggunita sa Edsa Dos. Ang argumento nga noon, kung ipagdiriwang ang Edsa II, para kanino? Eh ayaw na ng mga mamamayan kay Gloria. Kung ipagdiriwang pa rin siya, parang ipinagdiwang na rin na naging pangulo si PGMA. O kaya naman, parang ipinagdiwang na rin na natanggal sa pagkapangulo si Estrada o ipinagluluksa na nadaya siya mula sa kanyang posisyon ni Arroyo.

Mga ganitong panig ang ipinakikita ng sinulat ni Dr. Guerrero. May kalayaan tayo. Ngunit ang tunay na kalayaan ay may basehan. Hindi kailangan isang magarbong kasinungalingan ang ipakalat ng mga may nais na magkaroon ng “maipagmamalaking kasaysayan.”

Kung ano ka, ipakita mo. ‘Yun ang totoong pagmamalaki.


Sto. Domingo, Rosalyn Mae P.
2006-11360 BA Communication Research
Kas1 Sir Jely A. Galang
MTh 1-2:30 pm
11 February 2008