Thursday, December 6, 2007

Bukang Liwayway

Sa pagsilaw ng liwanag sa'king mata
ay muling dumalaw ang mga gunita.
Masaya. Masakit. Ngunit puno ng laya
hamog ay pumatak sa dahong aplaya.

Sumalubong ingay ng bagong umaga;
Ngunit ang himig sa'king puso'y lipas na.
nais mahabol kahit magka-ugaga
pero sadyang kayhirap abutin na--

Puno'y nagkakatanhan, nagkukwentuhan,
Gusto kong tumakas at sadyang lumisan.
Puntahan siayang inosente at walang muwang.
Siyang nagbigay ligayang walang katuwang.

Ngunit sa pagmulat ng mga talukap,
Aking nabatid at pilit na tinanggap
siya'y parte na lang ng kahapong namatay
nagpaalam sabay ng bukang liwayway.


RM STO. DOMINGO
blckrose_kaito
L kenshin 'o7

No comments: