Thursday, December 6, 2007

Sa Pagsilay ng Umaga

(18 September 2006)
* tulang ipinasa para sa 2nd workshop sa UPWC
2nd revision of "Bukang Liwayway"


Sa pagnulat ng aking mga mata
nakita ko ang araw na
Puno ng laya
Na unti-unting gumugising sa
kanyang higaang humahati
Sa langit at lupa.

Napapikit ako at muling naalala
Ang malakas na ulan kahapon na
Nagdulot ng baha na nanalanta
Sa aking bakuran at
Halos sirain ang hardin ko ng
Rosas na kinagigiliwan ng lahat.

Binuksan kong muli ang aking mga mata
Hindi pa rin ganap ang liwanag
Kung tutuusin ay nababalot pa ng
Dilim ang aking kapaligiran.
Hindi pa maaaninag ng aking paningin
Ang orasan sa may dingding.

Magpagayon pa man, sinimulan ko
Nang itupi ang aking pinaghigaan
Ngunit sa kalagitnaan ng aking ginagawa,
Umihip ang malamig na hangin na naghatid
Ng kilabot sa aking katawan, kasabay ng mabangong
Amoy ng inosente na mabilis ring lumisan.

Muntik na kong mahiga ulit dahil sa lamig,
Ngunit nang mapadako sa labas ang aking paningin,
nakita 'kong halos kalat na ang liwanag
Oras na upang umpisahan ang araw.
Gustuhin ko mang bumalik sa paghimbing,
Lumipas na ang oras na 'yon ayon sa orasan sa dingding.


RM STO. DOMINGO
blackrose_kaito
L kenshin 'o7

No comments: