Thursday, December 6, 2007

GASERA

Nang ako'y magmulat ng mata,
Mula sa aking pagkakahimbing
Wala akong matanaw o maaninag man lang
Balot ng kadiliman, wala akong magawa--

Sa aking isipan, alam kong umaga na
ngunit bakit ni munting ilaw walang lumitaw?
natatakot ako--nanghihina--ngunit walang magawa
O muniting ilaw--kailangan ko ng iyong irog--

Kailangan ko ng ilaw ng kahapong 'di ko na mahawakan sa aking isipan--
Ibig ko'y kaliwanagang 'di ko maabot
Kaliwanagang tulad ng gasera na kailangan ko ngayon--
Kahit isang munting tilamsik ng ilaw.

Mula sa gasera ng aking kaliwanagan
Mula sa kahapong ipinagdamot sa akin ng kapalaran
Kapalarang walang kasing saklap.

Halika o halika huwag mong ipagkait
Gasera na aking tanging tanaw sa hinaharap.
Ang tanging bagay na magbubukas ng pinto
Gasera na nagsisilbing alaala ko sa kahapon.

RM STO. DOMINGO
blackrose_kaito
L kenshin 'o7

No comments: