Thursday, December 6, 2007

Sa Puso ng Kahirapan

(27 February 2006)
* hango sa "Tundo may ay May Langit Din" ni Andrew Cristobal Cruz
(kabanata VIII)


Katahimika'y pilit na inaaninag
Sa gitna ng kasukalan, karimlang 'di natitinag
Nangangarap na sa bawat hakbang ay mautag
Mga salita ng tagumpay; nais maihayag---

Bawat hakbang ay puno ng pag-aalinlangan
'Di mawari kung lahat ay may kahihinatnan
lalo pa't napalilibutan ng mga karangyaan
Na hindi maabot; mga abang kamay nahihirapan.

Problema'y parang isang anino na mapilit
Hindi ka iiwan hanggat inaabot ang nakakaakit
Na tropeyo ng tagumpay na walang makapalit
Sapagkat nag-iisa lamang na pangarap mula ng maliit.

At ngayo'y unti-unti nang tumutupad
Sa mga pangako sa sarili; ang tangkang paglipag
Ngunit sa pagkampay ng mga pakapak; nais ilunsad
Maging mga bagwis ng ibang kasing palad.


RM STO. DOMINGO
blackrose_kaito
L kenshin 'o7

No comments: