Thursday, December 6, 2007

LAGUSAN

(27 February 2006)
* Introduksiyon: Portfolio sa Filipino IV*

Sa pintuang nagbubukas sa walang hanggan
Matatagpuan ang kayamanan ng nakaraan
Liwanag na sisilay mula sa karimlan
Patungo sa kaibuturan ng inyong kaisipan

Sining na nahango mula sa imahinasyon
Ng mga manunulat na namulat sa kahapon
Layuning maiparating sa kabataan ng panahon
Iba't ibang istorya, iba't ibang leksiyon.

Nagsisimula na ng inyong ekspidisyon sa mundo
Kung saan ang mga kwento't tula'y hango
Sa mga pangyayaring tunay at totoo.
Sa lugar na walang oras dadalhin kayo...


RM STO. DOMINGO
blackrose_kaito
L kenshin 'o7

No comments: